My First Published Article was about…read on
May 2, 2006 by igme
This is taken from a collection of personal essays from fanatics about the greatest Filipino actor who’s ever graced the silver screen — Nora Aunor. I’m an avowed Noranian. Yup, I’ve been a fan for quite a few years. For those who have other passion for other known local actresses, I don’t despise their idols. In fact, I appreciate some of their works. Take it from a person who’s lived Pinoy popular culture during his growing-up years (that was before my independent spirit has changed me) like me.
Without further adieu, let me present my work, "Impossible Dreams", from the book "Si Nora Aunor sa Mga Noranian: Mga Paggunita at Pagtatapat" (published 2005, it’s available at book stores nationwide), edited by a good friend, Nestor de Guzman. I’m sorry for my Filipino-challenged foreigner friends here, I can translate it for you when ask.
"IMPOSSIBLE DREAMS"
Noong unang mga taon ng dekada ’80, bata pa akong laging nangangapitbahay para makipaglaro ng holen, sipa, turumpo, patintero, piko, siyato, at kung ano-ano pa. Nakakagala ako sa labas, pero kailangang nasa loob na ng bahay bago dumilim—nakapaligo na at nanonood na lang ng TV sa sala. Kailangang sundin ang bilin ni Mama. Wala akong sinusundan sa telebisyon pero natatandaan ko ang tatlong batang yagit at mga kabataang artista na nagpapaligsahan sa pagsayaw at pagkanta sa That’s Entertainment. Naiinggit ako kay Billy Joe Crawford. Nangarap akong sumayaw at kumanta sa telebisyon at maging ate si Manilyn Reynes.
Bunso ako sa tatlong magkakapatid. Baby pa lang ako nang mag-Saudi si Papa. Nagtatrabaho si Mama bilang researcher sa Department of Education. Hindi niya siguro alam, palagi ko siyang nami-miss. Sa gabi, minsan nakatitig lang ako sa kanya habang nasa harap kami ng TV. Tuwing Linggo ng gabi, alam naming magkakapatid na wala kaming kontrol sa TV at ayaw namin ang palabas. Nakatutok si Mama sa Superstar. Walang maglilipat ng channel, kung ayaw masigawan. Naiinis ang ate at kuya ko, pero pinababayaan nila si Mama dahil “kapanahunan” niya si Nora. Pagkatapos ng Superstar, oras na para kami matulog.
Nang mag-college ako sa UP Diliman, kumuha ako ng Theater Arts. Dito lang ako simulang namulat sa mga de-kalidad na pelikula. Sa mga klase, palagi kaming nire-require manood ng mga classic film—local at foreign. Madalas ding libre ang screening sa UP Film Center ng mga pelikulang itinatampok sa mga retrospectives ng iba’t ibang bansa, at sinamantala ko ito. Limot ko na si Billy Joe Crawford, at naghahanda naman ako sa pagiging aktor ng teatro.
Sa maraming pelikulang Filipino na napanood ko, pinakapaborito ko ang Himala ni Ishmael Bernal. Una ko itong napanood sa Film Center, at sa bawat pagkakataong muli ko itong napapanood sa Cinema One, kinikilabutan pa rin ako sa pagganap ni Nora bilang Elsa.
Sa aming acting class, tinalakay ng propesor ang estilo ni Nora Aunor sa mga klasikong pelikula nina Lino Brocka, Ishmael Bernal, at Mario O’Hara. Ito raw ang uri ng acting na angkop sa medium ng pelikula. Hindi magalaw. Mababasa sa mga mata lamang ang emosyon. Sa isang pelikula, nailarawan ni Nora sa mukha, in split seconds, ang iba’t ibang emosyon—pag-asang nauwi sa pagkagimbal, pagkalito, panlulumo, at pagkapoot. Hindi matulo ang luha ni Nora, tulad ng mga “tunay” na aktres. Matimpi siya sa simula. Waring nag-iipon sa dibdib, hanggang parang bulkang sasabog. Tulad nang sabuyan ni Bona ng kumukulong tubig ang pinagsilbihang idolo—sa isang obra ni Brocka. Hanggang ngayon, hindi ko pa napapanood ang Bona.
Lalo kong inabangan mula noon—sa cable TV, sa UP Film Center, sa mga exhibition tulad ng Pelikula at Lipunan—ang mga pelikula ni Nora Aunor na hindi ko inabutan. Napanood ko sa UP Film Center ang Bulaklak sa City Jail, isang Marso sa selebrasyon ng Women’s Month. Gayundin ang Minsa’y Isang Gamugamo ni Lupita Concio at Ikaw ay Ikin ni Ishmael Bernal. Bida sa Ikaw ay Akin si Nora Aunor at si Vilma Santos, pero sa huling minuto lamang ng pelikula sila nagkasama sa isang eksena. Pumalakpak ako nang pumalakpak pagkatapos ng eksena. Halos isang minuto, nagtinginan lamang ang dalawa sa gitna ng orchid farm. Tahimik, walang usapan pero nagsusumbatan sa mata.
Sa Pelikula at Lipunan, napanood ko ang Atsay, Banaue, at Fe, Esperanza, Caridad. Sa Cinema One, madalas nilang ipalabas ang mga pelikula ni Nora tulad ng Tatlong Taong Walang Diyos, ’Merika, Tinik sa Dibdib, Bilangin ang Bituin sa Langit, at marami pang iba. Napanood ko rin sa cable ang Totoo ba ang Tsismis, kapareha niya si Gabby Concepcion. Nurse si Nora sa pelikula. Nagka-crush ako sa kanya rito.
Matatawag na siguro akong Noranian—kung hindi ako matatahimik hangga’t hindi ko napapanood ang Bona. Kung gusto kong yugyugin ang katabi ko sa husay ni Nora sa Himala, Tatlong Taong Walang Diyos, at iba pa. Kung itinatago ko ang remote control ng TV kapag nakatiyempo ako ng pelikula ni Nora. Ako na yata ngayon si Mama noong araw—magagalit kapag inilipat ang channel.
Si Mama ang kinukuwentuhan ko ng mga napapanood kong pelikula ni Nora. Hinihila ko siyang manood ng TV kapag pelikula ni Nora. Pero madalas mas gusto niyang magkutkot sa kusina. Napanood na niya ang ibang pelikula pero hindi na niya natatandaan ang mga detalye. Tumitigil lang si Mama sa ginagawa kapag kumakanta si Nora sa TV. Palagay ko mas gusto ni Mama si Nora bilang singer, na tutuklasin ko pa lamang. Higit akong malambing kay Mama ngayon. Malaya ko siyang nayayakap-yakap, nahahalik-halikan. Kulang ito para suklian ang kanyang pagmamahal at buong-buong suporta. Sa final project ko sa aking kurso, ako ang nag-produce at nagdirek ng play na ako rin ang sumulat. Pero si Mama ang tunay na producer, caterer, driver, etc.
Sumusubok na akong mag-pitch ng mga storyline para sa dulang pantelebisyon at pampelikula sa isang major studio. Sana makasulat ako ng screenplay na pagbibidahan ni Nora. O puwede rin na siya ang bida—in a film by Iggy Gulosino. Dream ko lang.
Hi Iggy! Never get to watch filipino films here. But when I get to visit Manila, I know who to ask for titles. ;D
Anyways, I am very intrigued how good those “good” old filipino films are, in terms of acting and of technical aspects. I just watched Pulp Fiction DVD tonight, and I am not yet through watching the Extras, where the film is “dissected” and analyzed. There is a section where 2 film experts compared Quentin Tarantino´s only 2nd film at that time to great film makers half a century ago.
I always wonder, how good are the later Pinoy films in comparison to the films during the time when our parents or grandparents were still teenagers.
Nora Aunor´s greatest films were almost as old as we both are. I honestly really can´t comment on her works. Your interest on older Pinoy films of directors who died young, got my attention, I have to admit.
I am looking forward to seeing Pinoy classic films soon.
Vince
Hi Iggy,
May I invite your friends to visit my sites?
Galing Cine Cafe Website
http://galingcinecafe.weebly.com
Si Nora Aunor sa mga Noranian Website
http://noranianbook.weebly.com
SUPERSTARstruck: The Nora Aunor Fanatics Blog
http://superstarstruck.weebly.com
Thanks.